Traders Glossary
Our A-Z Guide To The Most Important Trading Terms
A
51% Attack - 51% attack
Kapag may grupo ng miner na gumagamit ng mahigit sa 50% ng mining hash rate ng network para atakihin at kontrolin ang blockchain. Kilala rin ito sa tawag na "majority attack".
Algorithmic Trading - Algorithmic na pag-trade
Uri ng pag-trade kung saan ine-execute ang mga order gamit ang mga na-program na instruksyon sa pag-trade. Kilala rin ito sa tawag na "awtomatikong pag-trade".
Altcoin
Mga cryptocurrency na alternatibo sa Bitcoin; tumutukoy sa lahat ng ibang cryptocurrency na hindi Bitcoin.
AML (Anti-Money Laundering)
Mga batas, regulasyon, at pamamaraan na ipinapatupad ng mga pinansyal na institusyon para matukoy at maiwasan ang ilegal na aktibidad sa money laundering.
Arbitrage
Sabay na pagbili at pagbenta ng mga asset sa magkakaibang exchange/broker, para samantalahin ang presyo, tulad ng pagkakaiba sa nakalistang presyo.
Asian Session - Sesyon sa Asya
Tumutukoy sa oras ng pag-trade kapag bukas ang Japan at Australia sa aktibong oras ng negosyo.
Ask Price - Ask na presyo
Ang termino na "ask na presyo" ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na babayaran ng isang bumibili sa anumang oras. Ang ask na presyo ay ang pinakamababang presyo na tatanggapin ng isang nagbebenta. Kilala din ito sa "offer" na presyo.
Asset classes - Mga klase ng asset
Grupo ng mga investment na may parehong katangian at pangunahing nagpapatakbo sa ilalim ng parehong batas at regulasyon.
Aussie Dollar - Aussie na Dolyar
Palayaw na tumutukoy sa AUDUSD currency pair.
Average down - Average pababa
Pagdagdag sa kasalukuyang position sa mas magandang presyo kaysa sa unang pagpasok.
Average up - Average pataas
Pagdagdag sa kasalukuyang position sa mas di magandang presyo kaysa sa unang pagpasok.
B
Backtesting
Ang paraan ng pag-test ng isang diskarte sa pamamagitan ng paggamit ng dating datos para pag-aralan kung paano dapat ito nag-perform sa nakaraan.
Base Currency
Ang unang currency sa isang currency pair ay tinatawag na "base currency". Halimbawa, ang base currency ng GBPUSD ay GBP.
Bear market
Isang market kung saan pababa ang presyo, na tinutukoy ng serye ng mas mababang lows at mas mababang highs. Nanggaling ang terminong ito sa paraan kung paano umaatake ang mga oso, sa pamamagitan ng paghampas ng kanilang kamay pababa.
Bid Price - Bid na presyo
Ang terminong "bid" ay tumutukoy sa pinakamababang presyo ng nagbebenta. Ang bid na presyo ay ang pinakamataas na presyo na tatanggapin ng isang bumibili.
Bitcoin (BTC)
Ang pinakaunang ginawa at nangungunang cryptocurrency na may sikat na sikat na pangalan. Kinikilala ito bilang desentralisadong digital currency na tumatakbo nang walang sentral na kontrol o awtoridad tulad ng mga gobyerno o bangko na direktang nakakaimpluwensiya dito.
Black swan event
Isang di inaasahan at pambihirang pangyayari na lumagpas sa normal na inaasahan at potensyal na magdulot ng matinding pinansyal na kahihinatnan.
Blockchain
Isang desentralisado at elektronikong talaan ng mga transaksyon sa crypto, na naka-encrypt sa network ng mga sistema sa computer.
Blue chip
Isang terminong ginagamit para ilarawan ang mga kumpanya o shares nila na kilala, matatag, at mataas ang capitalization, at itinuturing na mapagkakatiwalaang investment. Ang terminong "blue chip" ay nangggaling sa larong poker, kung saan may pinakamalaking halaga ang mga berdeng chips.
Bollinger bands
Isang technical analysis indicator na inimbento ni John Bollinger at ginagamit bilang dynamic price channel na sumusunod sa galaw ng presyo at nag-iiba ayon sa pagbabago ng pagtaas-baba.
Bond
Isang debt security na ini-isyu ng mga humihiram para mangalap ng kapital mula sa mga investor na gustong magpautang ng pera sa loob ng isang nakatakdang panahon. Ang bonds ay itinuturing na fixed income investment. Ang mga nag-i-isyu nito ay mga gobyerno o korporasyon.
Breakout
Kapag kumawala ang presyo sa market at lubhang tumaas sa isang kapansin-pansing lebel.
BTC dominance
Ang ratio sa pagitan ng market capitalization ng Bitcoin kumpara sa kabuuang market capitalization ng crypto.
BUIDL
Ang terminong ginagamit ng mga eksperto sa cryptocurrency para hikayatin ang mga mahilig sa crypto na tumuon sa pagbubuo ng bagong proyekto sa crypto sa halip na hawakan ang kanilang crypto at maghintay na tumaas ang market. (Ang BUIDL ay ang maling pagbaybay ng salitang BUILD, tulad ng HODL na maling pagbaybay ng salitang HOLD.)
Bull market
Isang market kung saan pataas ang presyo, na tinutukoy sa serye ng mas mataas na highs at mas mataas na lows. Nanggaling ang terminong ito sa paraan kung paano umaatake ang mga toro, sa pamamagitan ng pagtulak pataas ng kanilang mga sungay.
Buy limit
Ang buy limit order ay ang pag-request sa broker na bumili sa "ask" na presyo, na maaaring kapantay o mas mababa kaysa sa nakasaad sa order (pinakamagandang available na presyo). Para gamitin itong uri ng order, ang kasalukuyang lebel ng presyo ay dapat mas mataas kaysa sa halaga ng order, sa pag-asang makabili ng mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa market.
Buy stop
Ang buy stop order ay ang pag-request sa broker na bumili sa "ask" na presyo, na maaaring kapantay o mas mataas kaysa sa nakasaad sa order (pinakamagandang available na presyo). Para gamitin itong uri ng order, ang kasalukuyang lebel ng presyo ay dapat mas mababa kaysa sa halaga ng order, sa pag-asang makabili ng mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo sa market.
Buy stop-limit
Ang buy stop-limit order ay pinagsamang stop order at limit order. Kung ang "ask" na presyo sa hinaharap ay umabot sa "stop level", may ipi-place na buy limit order sa "stop limit" na presyo. Para gamitin itong uri ng order, ang kasalukuyang presyo ay mas mababa dapat kaysa sa "stop level".
C
Cable
Palayaw na tumutukoy sa GBPUSD currency pair.
Call option
Isang kasunduan sa pagitan ng bumibili at nagbebenta para magpalitan ng security sa isang nakapirming presyo, sa loob ng nakatakdang timeframe.
Candlestick
Ang visual na pagpapakita ng price action, na nakalagay sa chart. Ang pamamaraang ito ay unang ginamit ng mga mangangalakal ng bigas sa Japan noong ika-16 na siglo, upang magbigay ng maagang senyas sa posibleng pagbabago ng presyo. Ngayon, ito ang isa sa mga pinakasikat na paraan para subaybayan ang charts. Ipinapakita ng candlesticks ang high, low, presyo sa pag-open at pag-close sa bawat panahon.
Cash account - Cash na account
Isang trading account kung saan ang pinakamataas na kakayahang bumili ay katumbas ng kapital na in-invest.
CFD
Ang CFDs, o mga Contracts for Difference, ay pinansyal na derivatives na nagbibigay-daan para makasali ang investors sa paggalaw ng presyo ng isang asset nang hindi nagmamay-ari ng naturang asset.
Coin (Crypto)
Ang terminong ginagamit para tukuyin ang isang cryptocurrency asset.
Collateral
Ang halaga o asset na nire-require ng nagpapautang bilang seguridad para makapagbigay ng pautang o serbisyo sa isang humihiram.
Commissions - Komisyon
Ang singil para sa pangangasiwa ng transaksyon sa pag-trade, na maaaring magbago depende sa broker at klase ng account.
Commodities - Commodity
Mga raw na materyales na ginagamit sa produksyon ng ibang produkto at serbisyo. Ang mga halimbawa nito ay mga energy, metal, at butil.
Commodity Currencies - Mga commodity currency
Mga currency pair na nagtataglay ng currency kung saan ang ekonomiya nito ay umaasa sa pag-export ng ilang raw na materyales.
Consolidation
Terminong ginagamit para ilarawan ang patagilid na price action kung saan ang presyo ng security ay walang matinding pagtaas o pagbaba.
Continuation Pattern - Continuation pattern
Pattern na binuo sa price chart na tumutukoy sa pagpapatuloy sa direksyon ng kasalukuyang trend.
Contract Size - Laki ng kontrata
Tumutukoy sa dami ng binibili o binebenta ng trader batay sa tuntunin ng kontrata at klase ng account.
Correlated assets - Magkakaugnay na asset
Lumalarawan sa ugnayan ng paggalaw ng dalawang asset kumpara sa isa't-isa sa isang nakatakdang oras.
Cryptocurrency
Ang mga cryptocurrency ay digital medium ng exchange. Ang isang pagkakaiba nito mula sa fiat currency ay hindi ito ini-isyu ng bangko sentral. Isa pang pagkakaiba na ginagamit ang pag-encrypt para gawing "regulado" ang paggawa ng bawat bagong unit.
Cryptocurrency Whitepaper
Isang teknikal na dokumento na nagsasaad ng mekanismo at ekonomiya ng isang tiyak na proyekto sa cryptocurrency.
Cryptography
Ang pag-aaral sa ligtas na pamamaraan ng komunikasyon. Nanggaling ang termino sa Griyegong salita na "Kryptos", na nangangahulugang "nakatago".
Currency pair
Ang pag-quote ng dalawang magkaibang currency, kung saan ang isang currency ay kino-quote batay sa kabila. Halimbawa, ang USDJPY (US Dollar vs. Japanese Yen).
D
Day trading
Ang estilo sa pag-trade kung saan ang trades ay kadalasang ino-open at kino-close sa parehong araw.
Dead cat bounce
Isang jargon na nagmula sa Wall Street at ginagamit ng traders para ilarawan ang market na nakakaranas ng panandaliang pagbawi pagkatapos ng matinding pagbagsak. Ang ideya sa likod nito ay "kahit na ang mga patay na pusa ay tatalbog pagkatapos bumagsak mula sa mataas na lugar".
Decentralized Exchange (DEX)
Mga platform na nagpapahintulot sa users na mag-trade ng digital assets nang hindi na kailangan ng pinagkakatiwalaang tagapamagitan o isang exchange para hawakan ang kanilang pera. Ang mga transaksyon ay direktang isinasagawa sa pagitan ng mga may-ari ng wallet sa pamamagitan ng smart contracts.
Decentralized Finance (DeFi)
Isang bukas at pandaigdigang peer-to-peer (ibig sabihin, direkta sa pagitan ng dalawang partido) na pinansyal na sistema at itinuturing na alternatibo sa tradisyonal na sistema sa pagbabangko.
Demo account
Isang trading account na gumagamit ng kunwaring pera at nagpapahintulot sa traders na i-ensayo ang kanilang mga diskarte sa ilalim ng tunay na kondisyon sa market.
Derivative (financial) - Derivative (pinansyal)
Isang kontrata sa pagitan ng dalawang partido, kung saan ang halaga ay nagmumula sa performance ng pinagbabatayang asset. Ilan sa mga uri ng derivatives ang futures, options, at CFDs.
Divergence
Kapag ang presyo ng asset ay gumagalaw sa magkasalungat na direksyon ng technical oscillator.
Dividend - Dibidendo
Ang pagbabahagi ng parte ng kita ng korporasyon sa mga shareholder nito, batay sa pinagdesisyunan ng Board of Directors.
Dollar Yen (Ninja)
Palayaw na tumutukoy sa USDJPY currency pair.
Downtick
Lumalaking pagbaba sa presyo ng isang asset mula sa huling nakumpletong presyo ng transaksyon.
Downtrend
Isang market kung saan bumababa ang presyo, na tinutukoy sa serye ng mas mababang lows at mas mababang highs.
Drawdown
Sumusukat sa porsyento ng pagbaba mula sa pinakamataas, sa isang trading account.
Dynamic leverage
Kinakatawan nito sa dynamic na paraan ang pagkalkula ng kailangang margin para panatilihin ang trade sa isang platform. Binabago ng kalkulasyong ito ang kailangang margin na kailangan para sa bawat open position. Sa ganitong paraan, masasamantala ng kliyente ang mas mababang kailangang margin para sa mas mababang volume, at tumataas din ito kapag lumalaki ang volume. Habang pataas ang volume ng kliyente kada instrument, pababa naman ang pinakamataas na leverage na inaalok.
DYOR (Do Your Own Research)
Ang proseso ng paggawa ng sarili mong imbestigasyon at paghahanda bago isagawa ang isang trade.
E
Earnings Per Share (EPS)
Tagapaghiwatig ng kita ng kumpanya, na kinakalkula sa pamamagitan ng paghahati ng netong kita na nakuha sa loob ng nakatakdang panahon, sa bilang ng outstanding shares.
EAs (Expert Advisors)
Software na tumatakbo sa MetaQuotes trading platform, para awtomatikong simulan at i-execute ang trades gamit ang nakatakdang pamantayan sa pag-trade.
ECN (Electronic Communication Network)
Isang computerized at awtomatikong sistema na pinagtutugma ang buy at sell orders sa pagitan ng mga trader at liquidity provider.
Economic Indicator - Indicator sa ekonomiya
Panukat ng performance ng ekonomiya at pagiging matatag nito, na ginagamit para pag-aralan ang mga oportunidad sa pag-i-invest sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Elliot wave
Isang teorya sa technical analysis na binuo ni Ralph Nelson Elliot noong 1930s, na nakatuon sa kung paano nalaladlad ang mga swing sa market at nabubuo bilang trends.
End of Day order
Isang pending na order para bumili o magbenta sa isang nakatakdang presyo na nananatili lang aktibo hanggang sa pagtatapos ng araw ng pag-trade.
Equity
Ang kabuuang halaga ng isang trading account, na pinagsamang balanse at unrealized na kita/pagkalugi.
European Session - Sesyon sa Europa
Tumutukoy sa oras ng pag-trade kapag bukas ang Europa at UK sa aktibong oras ng negosyo.
Exchange Rate - Rate ng palitan
Ang nauugnay na presyo o rate ng isang currency kumpara sa isa pang currency, na ginagamit para sa layunin ng pag-convert ng pera.
Exchange Traded Fund (ETF)
Isang uri ng investment fund na pwedeng i-trade sa stock enchange, sa anyo ng grupo ng securities.
Execution - Pag-execute
Ang pagpunan sa isang order sa pag-trade.
Exotic currency pairs
Mga currency pair, kung saan ang isa sa mga currency pair ay galing sa mga papausbong na ekonomiya. Ang mga halimbawa nito ay ang US Dollar vs. Mexican Peso (USDMXN) at ang US Dollar vs. South African Rand (USDZAR).
Exotic pairs
Mga currency pair, kung saan ang isa sa mga currency pair ay galing sa mga papausbong na ekonomiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang EURTRY, USDZAR, at USDMXN.
Expectancy
Tumutukoy sa inaasahang balik kada trade at kinakalkula bilang: (Average na kita x Probabilidad ng kita) – (Average na pagkalugi x Probabilidad ng pagkalugi) Ang sistema sa pag-trade na may positibong expectancy ay nangangahulugan na mapagkakakitaan ang sistema kinalaunan.
F
Fake-out
Kapag ang presyo sa market ay nabigong magpatuloy nang lagpas sa kapansin-pansing lebel at bumaliktad ng direksyon.
Fiat currency
Isang uri ng currency na hindi sinusuportahan ng commodity tulad ng ginto. Ang fiat currency ay kalimitang awtorisado ng regulasyon ng gobyerno.
Fibonacci tool (retracement & extension) - Fibonacci tool (retracement at extension)
Sikat na tool na ginagamit ng traders para gumuhit ng linya ng support at resistance, at maglagay ng stop orders at take profit levels.
Fill or kill
Isang pending na order na nangangailangang mapunan nang buo, dahil kung hindi, hindi ito pupunan (walang bahagyang pagpuno) at makakansela ito.
Fill price - Presyo sa fill
Ang presyo kung saan nakumpleto ang transaksyon, na maaaring maiba mula sa presyo ng order.
FinTech
Financial Technology. Kabilang dito ang mga update at pagbabago sa sektor ng pinansyal na serbisyo.
Flotation
Kapag ang shares ng kumpanya ay inilista para ibenta sa stock market sa kauna-unahang pagkakataon.
Follow-through
Kapag kumawala ang presyo ng market at mabilis na tumaas patungo sa kapansin-pansing lebel.
FOMO (Fear of Missing Out)
Ang nararamdaman kapag nag-aalala ang isang trader o natatakot silang makaligtaan ang potensyal na mapagkakakitaang oportunidad sa pag-trade.
Foreign Exchange
Ang forex, o pinaikling FX, ay tumutukoy sa sabay na pagbili at pagbenta ng isang fiat currency kapalit ng isa pa.
Fork
Nangyayari ang fork kapag nagkaroon ng "paghahati", ayan ay, pagbabago sa protocol ng blockchain. Kapag nangyari ito, maghihiwalay ang blockchain sa dalawang magkaibang blockchain, na maghihiwalay sa kasaysayan ng transaksyon hanggang sa punto ng "paghahati" pero patuloy itong magiging independiyente mula sa oras na iyon.
Free Margin - Libreng margin
Ang kakayahang bumili ng isang trading account batay sa available na leverage.
FUD (Fear, Uncertainty and Doubt)
Terminong ginagamit para ilarawan ang pagiging negatibo at pesimista na mga nakapaligid sa isang partikular na market.
Fundamental analysis
Ang pagsusuri sa mga naka-iskedyul at hindi naka-iskedyul na pangyayari na maaaring magkaroon ng epekto sa halaga ng isang asset, korporasyon, currency, o ekonomiya. Kabilang sa mga halimbawa ang paglalabas ng datos sa ekonomiya at pagpupulong ng bangko sentral.
Futures
Isang uri ng kontrata sa derivatives para ituloy ang transaksyon sa isang nakatakdang petsa sa hinaharap, at sa pinagkasunduang presyo.
G
Gap
Isang lugar sa chart na walang aktibidad sa pag-trade. Naoobserbahan ito kapag ang presyo sa pag-close sa isang panahon ay hindi parehas sa presyo sa pag-open sa susunod na panahon.
Good Till Cancelled (GTC) order
Isang pending na order para bumili o magbenta sa isang partikular na presyo, na mananatiling aktibo hanggang mano-mano itong kinansela.
Gross Profit - Gross na kita
Ang kabuuang kita mula sa pagbebenta, pagkatapos maibawas ang gastusin sa produksyon.
H
Halving
Isang pangyayari na nagaganap kapag ang rewards sa pag-mine ng isang cryptocurrency ay nahati sa dalawa. Halimbawa, sa Bitcoin, nangyayari ito tuwing apat na taon.
Hard fork
Isang bagong software udpate na ipinapatupad ng blockchain na hindi nababagay sa aktibong protocol ng blockchain, na nagreresulta sa permanenteng pagkakahati sa dalawang magkahiwalay na protocol na sabay na tumatakbo nang independiyente.
Head and shoulders
Isang klasikong pattern sa technical analysis na nagpapahiwatig sa pagbabago sa pangkalahatang direksyon ng market.
Hedging - Pag-hedge
Ang pagkakaroon ng magkasalungat na position sa magkapareho o magkaugnay na market, bilang paraan para limitahan at pamahalaan ang risk ng pangunang investment.
High water mark
Ang pinakamataas na lebel ng halaga na nakamit ng isang trading account.
HODL
Isang termino na ginagamit ng mga eksperto sa cryptocurrency para hikayatin ang mga mahilig sa crypto na hawakan ang kanilang mga crypto asset sa halip na ibenta ito. Ang HODL (Hold On for Dear Life) ay maling pagbaybay ng salitang HOLD.
I
Ichimoku Kinko Hyo
Isang kilalang technical indicator na ginagamit para tukuyin ang direksyon ng trend, momentum turning points, pati na ang mga support at resistance sa hinaharap. Ang ibig sabihin ng "Ichimoku" ay "isang tingin" at ang "Kinko Hyo" ay nangangahulugan ng "equilibrium". Tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, madaling matutukoy ang mga buy at sell signal sa pamamagitan ng isang tingin sa chart.
Index
Isang grupo o basket ng securities sa ilalim ng isang instrument na pwedeng i-trade, at kinakatawan at sinusukat nito ang pangkalahatang performance ng isang partikular na market, industriya, o sektor.
Inflation
Ang rate ng pagtaas ng lebel ng presyo sa loob ng panahon, para sa tiyak na grupo ng mga produkto. Ang pagtaas ng inflation ay nagreresulta sa pagkababa ng kakayahang bumili.
Initial Coin Offering (ICO)
Kapag ang isang proyekto sa cryptocurrency ay nangalap ng pondo sa pamaamgitan ng paggawa ng bagong token o coin na pwedeng bilhin ng publiko sa unang pagkakataon. Ito ang bersyon ng IPO (Initial Public Offering) ng mga crypto.
Initial Public Offering (IPO)
Kapag ang pribadong negosyo o korporasyon ay nag-alok na ibenta ang shares nito sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon. Ibig sabihin, ang pagmamay-ari ng kumpanya ay lumilipat mula pagiging pribado at nagiging pampubliko.
Interest Rates - Rate ng interes
Ang proporsyon ng utang na sinisingil ng nagpapautang sa nanghihiram, bukod pa at mas mataas sa halaga ng principal, na nakasaad bilang taunang porsyento.
Intraday trading
Ang estilo sa pag-trade kung saan ang mga trade ay kadalasang ino-open at kino-close sa parehong araw. Kilala din sa tawag na day trading.
Intraday traders
Tumutukoy sa mga trader na gustong mag-open at mag-close ng position sa loob ng parehong araw sa kalendaryo.
Intraweek traders
Tumutukoy sa mga trader na gustong mag-open at mag-close ng position sa loob ng parehong linggo sa kalendaryo.
Investor
Ang mga investor ay kalimitang tumutuon sa pangmatagalang resulta, at naghahanap na i-diversify ang risk at protektahan ang kapital habang nilalayong palakihin ang kanilang portfolio.
K
Kiwi
Palayaw na tumutukoy sa NZDUSD currency pair.
KYC (Know Your Costumer / Client)
Ang proseso ng pag-verify ng mga kliyente para kumpirmahin ang kanilang pagkakakilanlan at personal na impormasyon.
L
Ledger
Koleksyon ng mga account kung saan nire-record ang mga transaksyon.
Ledger (wallet)
Ang ledger wallet ay isang kilalang hardware wallet para offline na itago ang pribadong keys para sa mga cryptocurrency.
Leverage
Isang ""utang"" na binibigay ng broker, para makapag-trade ang traders ng mas malaking halaga ng kapital kaysa sa panguna nilang balanse sa account. Nakasaad ito bilang ratio, halimbawa, kapag nag-trade ka nang may leverage na 1:1000, pwede kang mag-trade ng hanggang 1,000 beses ng halaga na nakalagay sa iyong trading account.
Liability
Mga legal na utang ng kumpanya sa mga nagpapautang dito.
Limit order (buy)
Ang buy limit order ay isang pending na order para bumili ng mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa market.
Limit order (sell)
Ang sell limit order ay isang pending na order para magbenta ng mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo sa market.
Liquidity
Ang kakayahan ng mga market na pahintulutan ang maayos na pagbili at pagbenta ng mga asset.
Long position
Kapag nagti-trade ng long position, kikita ka kapag tumaas ang presyo sa market, at malulugi ka kapag bumaba ang presyo sa market.
Loonie
Palayaw na tumutukoy sa USDCAD currency pair.
Lot
Ang ginagamit na unit para sukatin ang laki ng kontrata ng isang asset.
M
MACD (Moving Average Convergence / Divergence)
Isang technical analysis indicator na ginagamit para subaybayan ang agwat sa pagitan ng Moving Averages (MA). Ginagamit ito ng traders para tukuyin kung ang direksyon ng market ay bullish o bearish.
Major pairs
Ang mga pinaka tini-trade na currency pairs ay tinatawag na "majors". Sa lahat ng ito, kasama ang US Dollar bilang isa sa mga currency. Ito ay EURUSD, GBPUSD, USDJPY, USDCHF, USDCAD, AUDUSD, at NZDUSD.
Margin account
Isang account na nagpapahintulot sa paggamit ng leverage, kung saan pwedeng mag-trade ang traders ng mas malaking halaga ng kapital kaysa sa halaga ng kanilang deposito.
Margin call
Isang babala na ang equity ng trader ay papalapit na sa pinakamababang lebel na kailangan para panatilihin ang mga kasalukuyang open position.
Margin requirement - Kailangang margin
Isang collateral sa anyo ng margin na kailangan ng broker para masiguro na masasagot ang pagkalugi, kapag nagti-trade gamit ang leverage.
Market capitalization
Ang halaga sa market ng isang asset, kumpanya, o sektor na kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply ng presyo nito at ang kabuuang bilang ng outstanding shares.
Market order
Ang order para bumili/magbenta ng asset sa pinakamagandang available na presyo.
Merger
Kapag ang dalawang kumpanya ay nagsama para gumawa ng panibagong kumpanya.
MetaTrader
Software sa pagpresyo at pag-chart.
Minor pairs
Mga pair na walang kasamang US Dollar (USD) pero nagtatampok ng mga currency mula sa iba pang malalaking ekonomiya. Ang mga minor pair ay tinatawag ding cross pairs. Ang mga halimbawa nito ay EURGBP, EURCHF, GBPJPY, atbp.
Momentum
Ang terminong ginagamit sa technical analysis para ilarawan ang rate ng pagbilis o pagbagal ng pagbabago ng presyo sa loob ng nakapirming panahon.
Moving average
Isang panukat na ginagamit sa technical analysis para magpantay ang price action at alalayan ang traders sa pagtukoy ng mga trend.
Mutual funds
Isang produkto sa investment na pinagsasama-sama ang pera ng mga investor para sa iisang layunin sa pag-invest. Ang mutual funds ay karaniwang aktibo sa stocks, bonds, at iba pang securities.
N
NDD (No Dealing Desk)
Inilalarawan ang trading platform na nagbibigay ng direktang pag-access sa interbank market rates.
Negative balance protection - Proteksyon sa negatibong balanse
Nililimitahan ng proteksyon sa negatibong balanse ang pinakamalaking pagkalugi ng isang retail na kliyente, dahil pwede lang malugi ang trader ng kung ano ang balanse sa kanilang account at wala nang iba. Napakahalaga nito sa kaso ng napakabilis na paggalaw ng presyo, para hindi maranasan ng trader na malugi ng mas malaki kaysa sa kabuuang halaga na nasa kanilang account.
Net Profit - Netong kita
Ang netong kita ay ang halaga ng pera na kinita pagkatapos ibawas ang lahat ng bayarin sa pagpapatakbo, bayad sa interes, at buwis, sa loob ng isang nakatakdang panahon.
Non-fungible assets
Ang bawat unit ng asset ay naiiba at may mapapansing pagkakaiba mula sa iba pang unit. Halimbawa, ang isang piraso ng lupain ay non-fungible, dahil naiiba ang katangian at lokasyon nito, at hindi ito parehas sa iba pang piraso ng lupain.
Non-Fungible Token (NFT)
Mga crypto asset na pwedeng kolektahin at nakakonekta sa isang kakaibang digital file, para pwedeng ituring ang mga indibidwal na token bilang may makahulugang pagbabago mula sa isa't-isa.
O
Offer price - Presyo ng offer
Isa pang tawag sa "ask" na presyo.
One Cancels the Other (OCO)
Dalawang pending na order, kung saan kapag napunan ang isa sa dalawang orders, awtomatikong makakansela ang isa pa.
Open order
Tumutukoy sa isang pending na order na na-place sa platform, na hindi pa napupunan o nakakansela.
Option
Ang option ay isang uri ng derivative na pinapahintulutan ang mga bumibili, o mga may hawak ng option, na pumili kung bibilhin o ibebenta nila ang isang security sa isang presyo sa hinaharap, nang walang obligasyon na kumpletuhin ang transaksyon.
Order Execution - Pag-execute ng order
Kapag ginagawa ng broker ang proseso ng pag-buy o pag-sell sa kabila ng trader.
Orderbook
Isang elektronikang listahan ng mga buy at sell order para sa isang partikular na asset o security.
Oscillator
Sikat na indicator sa technical analysis na ginagamit para alalayan ang traders na tukuyin ang pagbabago sa momentum.
Over The Counter (OTC) securities
Securities na hindi nakalista sa mga malalaking exchange at tini-trade sa pamamagitan ng broker-dealer network.
Overbought
Terminong ginagamit para tumukoy sa market na overextended, na nagpapahiwatig ng mas mataas na probabilidad ng pagbabago sa momentum mula pataas patungong pababa.
Overnight position
Ang trading position na ni-roll over sa susunod na araw ng pag-trade.
Oversold
Terminong ginagamit para tumukoy sa market na overextended, na nagpapahiwatig ng mas mataas na probabilidad ng pagbabago sa momentum mula pababa patungong pataas.
P
Parabolic Move - Parabolic na paggalaw
Kapag mabilis na gumalaw ang market sa pataas na trajectory, na halos diretsong linya, sa loob ng maikling panahon.
Parity
Tumutukoy sa rate ng palitan sa pagitan ng dalawang currency na magkapantay.
Pending orders - Pending na order
Ang isang pending na order ay isang na-place na order na hindi pa na-e-execute. Ang mga ganitong uri ng order ay ginagamit para mag-open ng mga bagong position kung nakamit na ang mga itinakdang kondisyon. Ang pending na order ay maaari ding gamitin para umalis sa isang kasalukuyang position.
Pip
Tumutukoy sa unit ng pagbabago ng presyo ng isang currency pair. Halimbawa, sa EURUSD, tumutukoy ito sa pagbabago ng presyo sa ika-4 na decimal.
Pipette
Tumutukoy sa pinakamaliit na unit ng pagbabago ng presyo ng isang currency pair. Halimbawa, sa EURUSD, tumutukoy ito sa pagbabago ng presyo sa ika-5 decimal.
Portfolio
Koleksyon ng mga pinansyal na investment na pagmamay-ari ng isang indibidwal o legal na entity.
Position
Netong kabuuang pinanghahawakan sa isang tiyak na asset.
Price action
Ang paggalaw ng presyo ng isang security, na nakalagay sa chart sa loob ng tiyak na panahon.
Pump and dump
Ilegal na pamamaraan na ginagamit para pataasin ang presyo ng securities sa pamamagitan ng mali at nakakapanlinlang na impormasyon.
Q
Quarterly Report - Quarterly na ulat
Isang dokumentasyon ng pinansyal na datos na in-isyu sa loob ng 3 buwan.
Quote
Ang huling na-trade na presyo ng instrument.
Quote currency
Ang pangalawang currency sa pair, kung saan ang unang currency (base currency) ay inilalarawan. Halimbawa, ang quote currency ng GBPUSD ay USD.
R
Rally
Ginagamit para tumukoy sa market na nakakakita ng patuloy na pataas na momentum.
Range-bound market
Terminong ginagamit para ilarawan ang patagilid na paggalaw ng market, na nagti-trade sa pagitan ng mga hangganan na madaling matukoy.
Recession
Pinahabang panahon ng pababang aktibidad sa ekonomiya. Ang technical recession ay inilalarawan bilang dalawang magkasunod na quarter ng negatibong pagbaba ng GDP.
Resistance
Ang terminong tumutukoy sa presyo na mas mataas sa kasalukuyang presyo, na dating nagsilbi bilang harang na nagdulot sa pag-iba ng momentum. Sa madaling salita, isa itong lugar kung saan dating nalagpasan ng supply ang demand, kaya nakahikayat ito ng mga nagbebenta at nagdulot sa pagbaba ng presyo.
Retail investor - Retail na investor
Ang isang indibidwal, na hindi propesyonal na trader, na bumibili at nagbebenta ng securities sa pamamagitan ng broker o exchange.
Retracement
Ang pagbaliktad sa pangkalahatang direksyon sa market.
Reversal pattern
Isang pattern na nabuo sa chart ng presyo na nagpapahiwatig ng pagbabago sa direksyon ng trend.
Risk off
Ang pangkalahatang sentimiyento ng mga nasa market na iwasan ang mga asset na may mataas na risk tulad ng stocks, at sa halip ay paboran ang mga asset na may mas mababang risk tulad ng bonds.
Risk on
Ang pangkalahatang sentimiyento ng mga nasa market na paboran ang mga asset na may mataas na risk tulad ng stocks.
Risk-reward ratio
Ang ratio na tumutukoy sa relasyon ng potensyal na pagkalugi (risk) laban sa potensyal na kita (reward) ng trade.
ROI (Return on Investment)
Isang panukat ng performance ng investment na ginagamit para sukatin ang pagiging pagkakakitaan ng isang investment kumpara sa halaga nito. Nakasaad ito bilang porsyento o ratio na nagpapahiwatig kung gaano katagumpay ang isang investment.
Round trip
Isang trade na na-open at na-close nang buo.
RSI (Relative Strength Index)
Isang momentum oscillator na ginagamit sa technical analysis para tukuyin ang turning points at extremes sa market.
S
Scalping
Estilo sa pag-trade kung saan ino-open sa loob ng maikling panahon ang trades para magkaroon ng mabilisang kita.
Securities (financial) - Securities (pinansyal)
Tumutukoy sa anumang uri ng mati-trade na pinansyal na asset.
Segregated Account - Nakahiwalay na account
Tumutukoy sa kasanayan ng broker na ihiwalay ang pondo ng mga kliyente sa sariling pondo ng kumpanya.
Sell limit
Ang sell limit order ay ang pag-request sa broker na bumili sa "bid" na presyo, na maaaring kapantay o mas mataas kaysa sa nakasaad sa order (pinakamagandang available na presyo). Para gamitin itong uri ng order, ang kasalukuyang lebel ng presyo ay dapat mas mababa kaysa sa halaga ng order, sa pag-asang makabenta ng mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa market.
Sell stop
Ang sell stop order ay ang pag-request sa broker na magbenta sa "bid" na presyo, na maaaring kapantay o mas mababa kaysa sa nakasaad sa order (pinakamagandang available na presyo). Para gamitin itong uri ng order, ang kasalukuyang lebel ng presyo ay dapat mas mataas kaysa sa halaga ng order, sa pag-asang makabenta ng mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa market.
Sell stop-limit
Ang sell stop-limit order ay pinagsamang stop order at limit order. Kung "bid" na presyo sa hinaharap ay umabot sa "stop level", may ipi-place na sell limit order sa "stop limit" na presyo. Para gamitin itong uri ng order, ang kasalukuyang presyo ay mas mataas dapat kaysa sa "stop level".
Sentiment - Sentimiyento
Tumutukoy ito sa pangkalahatang emosyon ng market at ang pag-uugali at kagustuhan ng mga investor na makisali dito.
Share
Ang shares ay mga pinansyal na asset na nagbibigay ng ebidensya sa pagmamay-ari sa kumpanya at pinapahintulutan nito ang mga may hawak nito na makibahagi sa kita ng kumpanya.
Sharpe ratio
Isa itong panukat na ginagamit para bigyang-kahulugan ang balik sa investment kumpara sa risk na kinuha. Kapag mas mataas ang halaga nito, mas maganda.
Short position
Ang pagkuha o pag-hold ng position na kikita kung bumaba ang presyo sa market, at malulugi kung tataas ang presyo sa market.
Slippage
Ang pagkakaiba sa pagitan ng inaasahang presyo sa pagbili at presyo kung saan na-execute ang trade.
Smart contract
Isang programa sa computer o protocol sa transaksyon na nakatago sa isang kasalukuyang blockchain na kumikilos alinsunod sa tuntunin ng kontrata/kasunduan na awtomatikong i-execute at itala ang mga aksyon.
Speculator
Ang mga speculator ay kalimitang tumutuon sa panandaliang paggalaw ng presyo, na naglalayong palakihin ang kita sa pamamagitan ng pagiging aktibo.
Spot trading
Ang spot trading ay tumutukoy sa marketplace na nagpapahintulot sa pagbili at pagbenta ng assets sa kasalukuyang presyo sa market (spot price) para sa agarang pagpapadala nito.
Spread
Ang pagkakaiba sa pagitan ng bid at ask na presyo.
Square
Kapag ang netong kabuuang hawak sa isang partikular na asset ay zero, ayan ay, walang pinanghahawakang position.
Stablecoin
Ang stablecoin ay may nakapirming halaga, dahil naka-peg ito laban sa mga fiat currency tulad ng US Dollar. Kinokonekta ng stablecoins ang mundo ng tradisyonal na pananalapi sa mundo ng DeFi, sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa digital na bersyon ng mga fiat currency na maitago sa blockchain.
Standard deviation
Isang panukat sa pagtaas-baba, na nagpapakita sa laki ng pagkakaiba-iba o pagkakalayo mula sa mean.
Stochastic oscillator
Isang momentum oscillator na ginagamit sa technical analysis para tukuyin ang turning points at extremes sa market.
Stock split
Kapag nagdesisyon ang kumpanya na lakihan ang kabuuang bilang ng shares habang pinapababa ang halaga ng bawat indibidwal na share. Pagkatapos ng "stock split", ang kabuuang halaga ng kumpanya at ang pagmamay-ari ng shareholders ay nananatiling parehas.
Stop loss order
Isang utos na awtomatikong i-close ang mga open position kapag naabot ng presyo ang isang natukoy na lebel. Mahalaga ito sa mga diskarte sa pamamahala ng risk na ginagamit para protektahan ang traders mula sa patuloy pang pagkalugi.
STP (Straight Through Processing)
Digital na ine-execute sa modelong ito ang lahat ng transaksyon nang walang panghihimasok ng mga tao.
Strategy tester
Isang katangian sa MetaTrader platform na ginagamit sa pag-backtest ng mga diskarte sa awtomatikong pag-trade (expert advisors).
Support
Ang terminong tumutukoy sa presyo na mas mababa sa kasalukuyang presyo, na dating nagsilbi bilang harang na nagdulot sa pag-iba ng momentum. Sa madaling salita, isa itong lugar kung saan dating nalagpasan ng demand ang supply, kaya nakahikayat ito ng mga bumibili at nagdulot sa pagtaas ng presyo.
Swap
Interes na sinisingil para panatilhing naka-open kinabukasan ang mga naka-leverage na position.
Swing trading
Estilo sa pag-trade kung saan ino-open sa loob ng ilang araw, o ilang linggo, ang trades para kumita sa pagbabago ng market.
Swissy
Palayaw na tumutukoy sa USDCHF currency pair.
Synthetic pairs - Synthetic na pairs
Ang synthetic na pairs ay mga pinansyal na derivatives na kumakatawan sa dyadic quotations (nagtataglay ng dalawang magkaibang asset), kung saan ang halaga ng isang asset ay naka-quote laban sa unit ng kabilang asset.
T
Take profit order
Isang pending na order na itinalaga sa isang open position, para awtomatikong i-close ang position kung ang presyo ng asset ay umabot sa nakatakdang lebel.
Technical analysis
Paraan ng pagsusuri gamit ang datos sa nakaraan para subaybayan at pag-aralan ang price action at mahulaan ang mga trend ng presyo sa hinaharap.
Token
Ang mga token ay uri ng assets na ginawa sa kasalukuyang blockchain gamit ang smart contracts. Pwedeng magbigay ng iba-ibang paggagamitan ang tokens sa isang partikular na ecosystem.
Total Value Locked (TVL)
Panukat ng paglago ng DeFi ecosystem. Ang TVL ay ang kabuuan ng lahat ng staked crypto assets na kumikita ng rewards at interes.
Traditional finance - Tradisyonal na pananalapi
Ang tradisyonal na pananalapi ay sumasandal sa sentralisadong pinansyal na institusyon tulad ng mga bangko para makagawa ng pinansyal na relasyon sa pagitan ng mga partido, at korte para magsilbi bilang tagapangasiwa para resolbahin ang mga alitan.
Trailing stop
Ang trailing stop ay isang stop order na inilagay batay sa itinakdang bilang ng pips/puntos palayo mula sa kasalukuyang presyo sa market. Tulad ng isinasaad ng pangalan nito, awtomatikong iti-trail ng trailing stop ang iyong stop loss habang gumagalaw sa iyong pabor ang market, para mapababa mo ang iyong risk. Kung sakaling gumalaw laban sa'yo ang market ayon sa itinakdang bilang ng pips/puntos, magkakaroon ng market order at maa-activate ang stop order, para i-close ang iyong open position.
Transaction cost - Singil sa transaksyon
Ang singil sa pagbili o pagbenta ng isang pinansyal na produkto.
Trend line
Isang sikat na pamamaraan sa pag-chart na ginagamit para tukuyin ang mga kasalukuyang trend at kanilang reversal.
U
Uptick
Ang malaking pagtaas ng presyo ng isang asset mula sa huling nakumpletong presyo ng transaksyon.
Uptrend
Isang market kung saan pataas ang presyo, na tinutukoy sa serye ng mas mataas na highs at mas mataas na lows.
US Session - Sesyon sa US
Tumutukoy sa oras ng pag-trade kapag bukas ang US at Canada sa aktibong oras ng negosyo.
Used Margin - Nagamit na margin
Ang margin na itinalaga para panatilihing naka-open ang mga kasalukuyang position at hindi dapat gamitin sa pag-open ng mga bagong position.
V
Volatility - Pagka-volatile
Tumutukoy sa biglaang paggalaw ng presyo na maaaring mabilis at hindi inaasahan. Ang isang asset na nakakaranas ng mataas na volatility ay itinuturing na may mas mataas na risk.
Volume
Ang kabuuang bilang ng shares o kontrata na ipinagpalit sa pagitan ng mga bumibili at nagbebenta ng partikular na asset sa loob ng itinakdang panahon.
W
Wallet
Isang device, programa, o software na nagpapahintulot sa users na itago ang kanilang pribadong keys at i-access ang kanilang digital assets.
Whale
Isang indibidwal (o organisasyon) na nagti-trade o humahawak ng napakalaking halaga ng crypto coin o token.
Y
Yield (bonds)
Tumutukoy sa balik na kikitain ng isang investor na makukuha niya mula sa pagbili ng bonds.
Yield curve
Ibinabalangkas nito ang balik sa isang bond sa loob ng magkakaibang petsa ng pag-mature at pinapahintulutan nitong ikumpara ang panandaliang balik laban sa pangmahabaang balik. Ang terminong ito ay kalimitang ginagamit para tukuyin ang US Treasury securities.