Ano-ano ang mga personal na impormasyon na kailangan kong irehistro?
Pakibigay ang mga sumusunod na impormasyon para makapagrehistro:
- Buong pangalan
- Email address
- Password
- Bansang tinitirahan
- Numero ng mobile
Makakuha ng tulong sa account o maghanap ng sagot tungkol sa mga partikular na market at produkto.
Ano-ano ang mga personal na impormasyon na kailangan kong irehistro?
Pakibigay ang mga sumusunod na impormasyon para makapagrehistro:
May paghihigpit ba sa edad para makapagbukas ng account?
Pwedeng magbukas ng FXGT.com account ang sinumang nasa 18–75 taong gulang.
Gaano katagal ang aabutin para makapagrehistro ng account?
Hindi aabot ng isang minuto ang pagrerehistro ng account. Sa sandaling nagrehistro ka, magpapadala kami sa email mo ng link sa pag-verify para kumpirmahin na ikaw 'to.
Kailan ako makakapagsimulang mag-trade?
Pakitandaan na kailangan mo munang i-verify ang account mo bago ka makapagsimulang mag-trade. Sa sandaling inaprubahan ng kumpanya ang mga dokumento sa KYC na ipinadala mo sa Client Portal, pwede mo nang pondohan ang account mo at magsimulang mag-trade.
Kung gusto mo, pwede ka pa ring magbukas muna ng demo account, at subukang mag-trade nang hindi pinopondohan ang iyong e-wallet.
Anong mangyayari kung hindi ako nakatanggap ng email sa pag-verify mula sa FXGT.com?
Kung hindi ka nakatanggap ng email na may verification link, paki-check ang spam folder at siguraduhin na may sapat kang espasyo para makatanggap ng mga bagong email.
Kung hindi mo pa rin makita ito, pakisundan ang mga hakbang na ito
Kapag nagrehistro ako ng account magkaka-access ba ako sa trading platform?
Magkaka-access ka sa aming mga trading platform sa sandaling nagrehistro ka ng account sa amin at nag-download ng platform mula sa Client Portal.
Ano ang mga e-wallet?
Ginagamit ang mga e-wallet sa Client Portal para sa pagdedeposito, pag-withdraw, at internal transfer sa iba't-ibang currency, mula at papunta sa iyong mga trading account.
Para matagumpay na mag-transfer ng pondo mula sa e-wallet papunta sa (mga) trading account, at kabaligtaran, kailangang parehas ang currency nito.
Paano ako makakapagbukas ng trading account?
Mayroon kaming iba't-ibang klase ng account na nababagay sa magkakaibang profile, estilo, at pangangailangan ng trader. Mahahanap mo ang espesipikasyon ng bawat klase ng account sa Mga Klase ng Trading Account.
Pagkatapos mong magdesisyon kung anong account ang nababagay sa'yo, pwede mo itong subukan muna sa Demo account, o magbukas ng Live trading account sa pamamagitan ng pag-click sa "Mga Trading Account" sa Client Portal.
Ano ang swap-free (Islamic) account?
Ang Islamic o swap-free account ay uri ng account na walang swaps sa loob ng nakatakdang panahon at para lang sa mga kliyenteng sumusunod sa Sharia law.
Ang mga swap-free account ay may kaparehong katangian tulad ng lahat ng FXGT.com trading accounts.
Ang tanging pagkakaiba ay ang mga position sa ilang forex at CFD instruments ay pwedeng panghawakan kinabukasan, nang walang dagdag na swap o admin fee sa loob ng nakatakdang oras.
May 7-araw na palugit na walang admin fee sa aming mga Islamic trading account. Simula sa ika-8 araw, may ipapataw araw-araw na admin fee sa mga open position.
Makikita mo dito kung anong ipinapatupad sa bawat klase ng account at instrument.
Paano ako makakapagbukas ng swap-free (Islamic) account?
Ang swap-free (Islamic) account ay para lang sa mga kliyenteng sumusunod sa relihiyong Islam. Ang pagbubukas ng swap-free account ay pwedeng i-request sa pamamagitan ng pagbubukas ng trading account at pagpapadala ng ticket gamit ang Support Center sa Client Portal.
May ilang kondisyon na kailangan para makapagbukas ng swap-free account.
Kung nakatira ka sa bansa kung saan karamihan ay Muslim at mapapatunayan mo ito sa pamamagitan ng mga dokumento sa KYC, ipoproseso namin ang request mong magbukas ng Islamic account.
Kung nakatira ka naman sa bansa kung saan hindi Muslim ang karamihan, mangyaring magpadala ng kahit isa sa mga sumusunod na dokumento para patunayan ang iyong relihiyon:
• National ID / Pasporte (na malinaw na nagpapakita ng iyong buong pangalan at relihiyon)
• Opisyal na dokumentasyon mula sa Mosque / Masjid / Islamic Center na nanggaling sa nakatataas, tulad ng Imam (kung maaari ay mayroong tatak at/o pirma bilang kumpirmasyon)
• Iba pang opisyal na sulat mula sa gobyerno (na malinaw na nagpapakita ng buo mong pangalan at relihiyon)
Maaaring may hingiin pang dagdag na impormasyon mula sa'yo kapag nagbukas ka ng swap-free account. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa swap-free accounts, mag-click dito.
Ano ang mga available na currency ng e-wallet?
Nag-aalok ang FXGT.com ng malawak na hanay ng mga currency ng e-wallet, depende sa rehiyon ng kliyente. Para makita ang mga available na currency, pakibisita ang Mga Klase ng Trading Account at Pagdeposito & Pag-withdraw.
May mga ipinagbabawal bang bansa?
Hindi nagbibigay ng serbisyo ang FXGT.com sa mga residente ng ilang hurisdiksyon tulad ng Estados Unidos, Canada, mga bansa sa Europa, Iran, North Korea, at Belize.
May mga paghihigpit ba sa bilang ng trading accounts na pwede kong buksan?
Pakitandaan na para sa ilang rehiyon, pwede ka lang magbukas ng 1 trading account bago ma-verify ang account mo. Sa sandaling inaprubahan ng kumpanya ang mga ipinadala mong dokumento sa KYC gamit ang Client Portal, pwede kang magbukas ng 6 live trading account at hanggang 2 demo account sa parehong currency.
Paano ko buburahin ang aking trading account?
Hindi pwedeng burahin ang mga trading account.
I-aarchive (ide-deactivate) namin ang mga trading account na hindi na ginagamit. Para ipaalam sa amin na hindi mo na ginagamit ang iyong account, makipag-ugnayan lang sa pamamagitan ng pagpapadala ng ticket gamit ang Support Center sa Client Portal.
Pwede ba akong magbukas ng Demo trading account?
Oo, pwede kang magbukas ng demo account anumang oras at subukan ang alinmang trade at estratehiya na gusto mo!
Pwede kang magbukas ng hanggang 2 demo account kada currency ng account. Ang bawat demo account ay lalagyan ng virtual ng pondo na awtomatiko mong madadagdagan kung kailangan. Kaya lang, sa anumang pagbabawas ng pondo, makipag-ugnayan lang sa'min sa pamamagitan ng pagpapadala ng support ticket sa Support Center ng Client Portal.
Pakitandaan na maaaring mag-iba ang kondisyon sa mga demo trading account kumpara sa mga live na trading account.
Pwede ba akong magbukas ng corporate account?
Oo, pwede.
Kapag nagbubukas ng corporate account sa Client Portal, ilagay ang pangalan ng kumpanya sa "Pangalan" at ang klase ng kumpanya (hal. limited company, Ltd.) bilang "Apelyido".
Gayundin, kapag nag-click ka sa Magrehistro, pwede mong piliin ang "Kliyente na Korporasyon" sa halip na "Indibidwal na Kliyente".
Anong mangyayari kung nakalimutan ko ang password sa pag-login sa account?
Kapag nakalimutan mo ang iyong password, pwede mong i-click ang "Nakalimutan ang Password?" sa login ng Client Portal, at maglagay ng bagong password alinsunod sa isinaad na hakbang.
Paano ko lalagyan ng 2-Factor Authentication (2FA) ang aking account?
Piliin ang "Seguridad" mula sa "Settings" ng Client Portal. Kapag lumabas ang "Settings sa Seguridad", makakapaglagay ka ng hiwalay na 2FA para sa pag-login at pag-withdraw (at iba pang mahahalagang aksyon).
Paano ko tatanggalin ang 2-Factor Authentication (2FA) sa aking account?
Para tangaglin ang 2FA, sundan ang mga sumusunod na hakbang:
Sa ganitong kaso, kailangan mong itago ang iyong email para sa seguridad, dahil kailangan ng hindi bababa sa isang uri ng kumpirmasyon para payagan kang mag-withdraw.
Para sa iba pang katanungan na may kinalaman sa 2FA, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagpapadala ng ticket gamit ang Support Center sa Client Portal.