Mga FAQ at Iba pa
Makakuha ng tulong sa account o maghanap ng sagot tungkol sa mga partikular na market at produkto.
Lahat ng Paksa
Mga Klase ng Account
Pwede ba akong mag-trade ng crypto sa lahat ng account?
Pwede kang mag-trade ng crypto sa lahat ng account namin. Para tingnan ang mga crypto na pwede mong i-trade, tingnan ang Mga Market.
Depende ang presyo at kondisyon sa klase ng account na pipiliin mo. Para tingnan ang mga espesipikasyon ng bawat klase ng account, bisitahin ang Mga Klase ng Trading Account.
Ano ang laki ng kontrata sa bawat klase ng account?
Ang laki ng kontrata ay tumutukoy sa bilang ng binibili o binebenta ng trader, batay sa mga tuntunin ng kontrata.
Ang laki ng kontrata ay depende sa klase ng account na pipiliin mo. Para tingnan ang mga available na laki ng kontrata sa lahat ng klase ng account, bisitahin ang Mga Klase ng Trading Account.
Parehas ba ang margin call / stop out sa lahat ng klase ng account?
Ang margin call at stop out level ay mahalagang diskarte sa pamamahala ng risk na ginagamit para protektahan ang traders sa higit pang pagkalugi.
Ang margin call namin ay mula 50% hanggang 70%, at ang stop out ay mula 20% hanggang 40%.
Pakitandaan na maaaring mag-iba ito kada klase ng account at rehiyon ng market. Para siguraduhing alam mo ang pinakabagong impormasyon tungkol dito, tingnan ang Mga Klase ng Trading Account.
Nag-aalok ba kayo ng Proteksyon sa Negatibong balanse?
Oo, nag-aalok kami ng proteksyon sa negatibong balanse sa lahat ng klase ng account at para sa lahat ng kliyente.
Gusto naming siguraduhin ang kaligtasan sa market ng mga trader, para hindi sila malugi ng higit sa mayroon sila kung sakaling mabilis na gumalaw ang market laban sa kanilang trades.
*Pakitandaan na hindi magkakaroon ng proteksyon sa negatibong balanse kung nagdeposito ka sa trading account na may negatibong balanse
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang Seguridad ng Pondo.
Ano ang mga base currency sa bawat klase ng account?
Para tingnan ang partikular na base currency sa bawat klase ng acccount, puntahan ang Mga Klase ng Trading Account.
Pakitandaan na maaaring mag-iba iba ang mga ito depende sa rehiyon.
Ano ang pinakamababang pag-transfer papasok para sa bawat klase ng account?
Ang pinakamababang halaga ng pag-transfer papasok sa lahat ng aming account ay $5.
Nag-aalok ba kayo ng suporta sa lahat ng kliyente o klase ng account?
Nag-aalok kami ng 24/7 na suporta sa iba't-ibang wika para sa lahat ng kliyente sa pamamagitan ng live chat, o sa pamamagitan ng pagpapadala ng ticket gamit ang Support Center.
Pwede ka ring makipag-ugnayan sa lahat ng aming social media channels.
Ilan ang pinakamaraming bilang ng open position kada account?
Ang pinakamaraming bilang ng open position ay nag-iiba iba kada klase ng account. Pumunta sa pahina ng Mga Klase ng trading Account at/o seksyon ng Mga Market sa aming website para sa iba pang detalye.
Ano ang pinakamababa/pinakamalaking lot kada klase ng account?
Ang pinakamaraming bilang ng open position ay nag-iiba iba kada klase ng account. Pumunta sa Mga Klase ng Trading Account at/o Mga Market sa aming website para sa iba pang detalye.
May pagkakaiba ba sa spread ang iba't-ibang klase ng account?
Ang bawat klase ng account ay nag-aalok ng iba't-ibang spreads. Layunin naming makapagbigay ng pinakamagandang kondisyon sa market sa pamamagitan ng pag-aalok ng dynamic spreads na 'sing baba ng 0 pip.
Para tingnan ang pinakamababang spreads para sa bawat klase ng account, tingnan ang Mga Klase ng Trading Account sa aming website. Para sa iba pang detalye at tingnan ang live na spreads para sa bawat instrument, bisitahin ang bawat kategorya sa Mga Market.
Pwede ba akong magpalit ng klase ng account / base currency?
Hindi pwedeng palitan ang base currency ng iyong trading account kapag nabuksan mo na ito.
Gayunpaman, pwede kang magbukas ng hanggang 6 Live trading account na may iba't-ibang base currency para sa mas maraming pagpipiliang karanasan sa pag-trade.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang Mga Klase ng Trading Account sa aming website.
Ilang account ang pwede kong gawin?
Pwede kang magbukas ng hanggang 6 Live trading account sa alinman sa available na currency sa Client Portal gamit ang iisang email address. Pwede ka ring magbukas ng 2 Demo account kada currency.
Pumili sa iba't-ibang klase ng account, na ginawa para bumagay sa kanya-kanyang kagustuhan at diskarte ng bawat trader.
Pwede kang magbukas ng iba't-ibang klase ng account at pumili sa magkakaibang base currency para sa bawat isa.

Available ba ang lahat ng instrument sa lahat ng klase ng account?
Ang lahat ng klase ng aming trading account ay nag-aalok ng magkakaibang instrument mula sa iba't-ibang klase ng asset, pero may ilang instrument na hindi inaalok sa lahat ng klase ng account.
Para tingnan kung may isang partikular na symbol sa isang klase ng account, pumunta sa Mga Market at tingnan ang live na presyo at kondisyon sa bawat klase ng account.