Mga FAQ at Iba pa

Makakuha ng tulong sa account o maghanap ng sagot tungkol sa mga partikular na market at produkto.

Kailangan ko bang kumpletuhin ang KYC ko bago makapagsimulang mag-trade?

Oo. Gayunpaman, pwede ka namang magbukas ng Live trading account at magdeposito ng hanggang $2,000 (o katumbas), nang hindi kinukumpleto nang buo ang proseso ng pag-verify ng KYC. Pero para makapag-trade at mag-withdraw ng pera, kailangan mong kumpletuhin ang iyong KYC.

Bakit kailangan ko ng KYC?

Tumatakbo ang FXGT.com sa saklaw ng iba't-ibang kumpanya na awtorisado at regulado ng Financial Sector Conduct Authority (FSCA) sa South Africa, Financial Services Authority (FSA) sa Seychelles, Vanuatu Financial Services Commission (VFSC) (para sa mga institusyonal na kliyente lang), at CySEC (para sa mga institusyonal na kliyente lang).

Bilang reguladong kumpanya, tumatalima at nagpapatakbo kami alinsunod sa mga kaugnay na direktiba kabilang ang pagkolekta ng sapat na dokumentasyon mula sa aming mga kliyente alinsunod sa KYC (Know Your Client).

Pangunahin naming prayoridad ang kaligtasan ng account at pera ng mga kliyente. Sinisiguro ng tamang regulasyon na nasusunod ang due diligence para sa aming kumpanya, mga kliyente, at partner.

Anong impormasyon ang kailangan para sa KYC?

Hakbang 1:

Kailangan mong ibigay ang mga sumusunod na detalye, tulad ng nakalagay sa iyong mga opisyal na dokumento:

  • Pangalan
  • Panggitnang Pangalan (punan kung kinakailangan)
  • Apelyido
  • Kasarian
  • Petsa ng Kapanganakan
  • Nasyonalidad
  • Code ng Bansa at Numero sa Pag-contact
  • ID ng Buwis (kung naaangkop)

Hakbang 2:

Kailangan mong kumpletuhin ang mga Tanong tungkol sa Personal na Impormasyon at kumpirmahin ang mga sumusunod:

  • Kung hindi ka bababa ng 18 taong gulang
  • Kung mamamayan ka ng US, para sa buwis
  • Kung isa kang Politically Exposed Person (PEP)
  • Impormasyon tungkol sa Investor

Hakbang 3:

Kailangan mong piliin ang:

Bansang nag-isyu ng Patunay ng Pagkakakilanlan

Klase ng Dokumento

Sa sandaling napili mo na ang mga ito, pwede kang magpatuloy sa pag-upload ng dokumento ng Patunay ng Pagkakakilanlan.

Siguraduhin na malinaw ang imahe (hindi tatanggapin ang medyo malabong imahe) at wala dapat naputol na dulo. Tinatanggap na format at laki: 50 MB - jpeg, jpg, png, pdf, mp4, webm, at mov.

Hakbang 4:

Kailangan mong ilagay ang iyong residensyal na tirahan at i-upload ang dokumento ng Patunay ng Tinitirahan.

Tinatanggap na dokumento bilang Patunay ng Tinitirahan (pumili ng isa):

i. Isang bill ng utility tulad ng kuryente, tubig, gas, landline na telepono, TV/internet, buwis sa lokal na tagapangasiwa, ari-arian, singil ng munisipalidad at insurance sa bahay, na naglalaman ng buo mong pangalan, buong residensyal na tirahan, buong pangalan ng institusyon/awtoridad na nag-isyu, at petsa ng pag-isyu na hindi dapat lalagpas sa nakaraang 6 na buwan.

ii. Isang bank statement o kumpirmasyon ng bangko na naglalaman ng buo mong pangalan, buong residensyal na tirahan, logo o malinaw na tatak ng bangko, at petsa ng pag-isyu na hindi dapat lalagpas sa nakaraang 6 na buwan.

iii. Sertipikasyon ng tirahan na in-isyu ng lokal na munisipyo, istasyon ng pulis, atbp. na naglalaman ng buo mong pangalan, buong residensyal na tirahan, buong pangalan ng institusyon/awtoridad na nag-isyu, at petsa ng pag-isyu na hindi dapat lalagpas sa nakaraang 6 na buwan.

iv. Isang affidavit na naglalaman ng buo mong pangalan, buong residensyal na tirahan, pirma at tatak ng notaryo o pampublikong opisyal at/o iba pang dokumento na in-isyu ng gobyerno na naglalaman ng mga nasabing impormasyon at petsa ng pag-isyu na hindi lalagpas sa nakaraang 6 na buwan.

Hakbang 5:

Sa sandaling nakumpirma ang lahat ng ito, ipoproseso namin ang impormasyon na ibinigay mo.

Pakitandaan na para sa ilang rehiyon, kailangan mong kumpletuhin ang pagpapadala ng selfie bago mo makumpirma ang iyong datos.

May limitasyon ba sa pagkumpleto ng KYC?

Oo. Sa sandaling nagrehistro ka at tinanggap mo ang Mga Tuntunin at Kundisyon pati ang Patakaran sa Privacy, at nagsagawa ka ng una mong deposito, bibigyan ka ng 30 araw para kumpletuhin ang proseso ng pag-verify ng KYC at magsimulang mag-trade sa account mo. 

Kung hindi mo kinumpleto ang KYC sa loob ng 30 araw pagkatapos ng una mong deposito, awtomatikong isasara ang account mo at ibabalik ang pera mo sa orihinal na pinanggalingan nito.

Ano ang pagmamay-ari ng Method of Payment (MOP) at bakit kailangan ko nito?

Ang MOP ay ang dokumento na nagpapatunay na ang nakarehistrong indibidwal na naglalayong gamitin ang platorm namin ang siya ring nagmamay-ari ng partikular na paraan ng pagbabayad na ginamit para magdeposito ng pera sa nauugnay na account.

Kailangan ito ng mga tagapangasiwa alinsunod sa patakaran sa AML (Anti-Money Laundering).

Ang saklaw ng MOP ay para sa kaligtasan ng pera.

Ano ang mga dokumentong kailangan ko para kumpletuhin ang aking MOP?

Mga deposito sa pamamagitan ng debit/credit card:

  • ang harapang bahagi ng iyong card na nagpapakita ng buo mong pangalan (tugma dapat sa pangalan sa account ng kliyente)
  • pangalan ng bangko na nag-isyu
  • ang huling apat (4) na numero ng credit card (kailangang itago ang natitirang numero)
  • ang likurang bahagi ng card na nagpapakita ng pirma mo

Mga deposito sa pamamagitan ng crypto wallet:

Hindi mo na kailangang magpadala ng dagdag na dokumento.

Mga deposito sa pamamagitan ng wallet:

Karamihan sa wallets ay may kanya-kanyang proseso sa KYC, kaya basta't tugma ang email address na ginamit sa rehistrasyon at ang email na ginamit para magbukas ng wallet, hindi na namin kailangan pa ng dagdag na dokumentasyon.

Kung sakaling hindi nagtutugma ang email address tulad ng inilalarawan sa itaas, kailangan mong i-upload sa Client Portal ang patunay ng pagmamay-ari ng account, tulad ng screenshot ng iyong wallet na nagpapakita sa buo mong pangalan at email address.

Kapag naabot mo na ang partikular na limitasyon sa deposito, hihingan ka ng patunay ng pinagmulan ng pondo, ayan ay, bank statement o payslip na nagpapakita sa nauugnay na pinansyal na kapasidad na tulad sa kasalukuyan mong deposito.

Mga deposito sa pamamagitan ng wire transfer:

Isang valid at kasalukuyang bank statement na in-isyu sa ilalim ng pangalan mo at nagpapakita ng record sa nakaraang 3 buwan.

Gaano katagal bago ma-verify ang aking account?

Pagkatapos i-upload ang mga nauugnay na dokumento, pag-aaralan namin ang iyong profile at dokumento para siguraduhin na maayos ang lahat. Maaaring tumagal ng 24 oras ang pagsusuri.

Pakitandaan na kung hindi pasok ang ibinigay mong impormasyon sa mga kinakailangan, ipapaalam sa'yo sa pamamagitan ng email na kailangan mong i-verify ang ilang impormasyon.

Sa sandaling nag-click ka sa "I-verify ang Aking Account", mare-redirect ka sa pahina ng Pag-verify ng Account, kung saan pwede mong i-update ang kinakailangang datos.

Maaaring mas matagal ang proseso ng ticket sa pamamagitan ng Client Portal.

Ano ang kailangan kong gawin kapag nakakatanggap ako ng error habang ina-upload ang mga dokumento ko?

Tingnan kung ang laki ng file at/o format nito ay pasok sa kinakailangan.

Tinatanggap na format at laki: 50 MB - jpeg, jpg, png, pdf, mp4, webm, at mov.

Kung nakakatanggap ka pa rin ng error, magpadala ng ticket mula sa iyong Client Portal.

Kung hindi nagbago ang estado ng KYC pagkatapos ng 24 oras ng pagpapadala ng dokumento, makipag-ugnayan sa Support team sa pamamagitan ng live chat o magpadala ng ticket gamit ang Support Center sa Client Portal.

Anong gagawin ko kung hindi naaprubahan ang mga dokumento ko?

Kung hindi naaprubahan ang mga dokumento mo, ipapaalam sa'yo sa pamamagitan ng email na kailangan mong i-verify ang ilang impormasyon.

Sa sandaling nag-click ka sa "I-verify ang Aking Account", mare-redirect ka sa pahina ng Pag-verify ng Account, kung saan makikita mo ang rason kung bakit hindi tinanggap ang aplikasyon mo, pati na ang mga hakbang na kailangan mong gawin para ma-verify ang iyong account.

Ano ang mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi tinatanggap ang mga dokumento sa KYC?

Ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi tinatanggap ang mga dokumento sa KYC ay:

  • hindi nagtutugmang impormasyon. Ang impormasyon na inilagay mo sa mga tanong ay hindi tugma sa impormasyon na nakalagay sa mga dokumento.
  • hindi tamang dokumento. hindi pasok Ang dokumento sa mga kailangan. Halimbawa, mga ikatlong partidong dokumento, patunay ng tinitirahan na walang address, dokumento na luma na, atbp.
  • Hindi tamang dokumento. Hindi pasok Ang dokumento sa mga kailangan. Halimbawa, mga ikatlong partidong dokumento, patunay ng tinitirahan na walang address, dokumento na luma na, atbp.

Pwede ko bang i-update ang aking personal na impormasyon?

Pwedeng i-update ang mga sumusunod pagkatapos ma-verify ang account:

  • Palayaw
  • Pangalawang email address
  • Napiling wika
  • Timezone
  • Password

Pwede mong baguhin ang iba pang personal na detalye (tulad ng address ng bahay, mobile, impormasyon ng investor, atbp.) sa pamamagitan ng pagpapadala ng ticket gamit ang Support Center sa Client Portal.

Pwede kang magdagdag ng pangalawang email bukod sa pangunahin mong email address. Kung gusto mong palitan ang pangalawa mong email at gawin itong pangunahin mong email, magpadala ng ticket at makipag-ugnayan sa amin gamit ang Support Center sa Client Portal.

Kung gusto mong i-update ang iyong residensyal na tirahan, ang mga pagbabagong gagawin mo ay depende sa estado ng pag-verify ng iyong KYC. Pwede lang naming palitan ang iyong personal na detalye kung ang estado ng iyong KYC ay "Bahagyang Impormasyon ang Ipinadala" o "Hindi pa Na-verify". Para kumpirmahin ang pagbabago, kailangan mong magbigay ng bagong Patunay ng Tinitirahan.

May problema ba kung hindi Ingles ang mga dokumento ko?

Matutulungan ka pa rin namin kahit na hindi Ingles ang mga dokumento mo, basta't valid ang mga ito at tumutugma sa mga kailangan sa KYC.

Pwede ba akong magbukas ng corporate account? Ano ang mga kailangan ko para ma-verify ito?

Oo, posibleng magbukas ng isang corporate account kada legal na entity. Ang bawat rehistrasyon ng account ay dapat may ibang kredensyal sa pag-login (email address).
Ang mga dokumentong kailangan mong ipadala ay:

  1. Bago (hanggang 3 buwan) na Certificate of Good Standing o bago (hanggang 3 buwan) na Bank Statement na nasa ilalim ng pangalan ng Legal na Entity.
  2. Bago (hanggang 6 na buwan) na dokumento ng korporasyon ng Legal na Entity, kabilang ang:
    a. Sertipikasyon ng Pag-incorporate
    b. Sertipikasyon ng mga Director
    c. Sertipikasyon ng mga Shareholder
    d. Sertipikasyon ng Rehistradong Address
  3. Memorandum at Articles of Association ng Kumpanya.
  4. Pirmadong Resolusyon mula sa Board of Directors ng Legal na Entity para sa pagbubukas ng account at pagbibigay ng awtoridad sa mga magpapatakbo nito. Pwede mo itong makita at ma-download sa pahina ng Pag-verify ng Account. 
  5. Pirmadong Deklarasyon ng Totoong Bepisyaryong May-ari. Pwede mo itong makita at ma-download sa pahina ng Pag-verify ng Account.
  6. Patunay ng Pagkakakilanlan ng lahat ng Director, Totoong Benepisyaryong May-ari (na may higit sa 10% pagmamay-ari) at ang Manager ng Account.
  7. Patunay ng Tinitirahan ng lahat ng Director, Totoong Benepisyaryong May-ari (na may higit sa 10% pagmamay-ari) at ang Manager ng Account.
Lahat ng Paksa

Pag-verify ng KYC