Mga FAQ at Iba pa

Makakuha ng tulong sa account o maghanap ng sagot tungkol sa mga partikular na market at produkto.

Ano-anong mga trading platform ang mayroon kayo?

Nag-aalok kami ng multi-asset MetaTrader 5 (MT5) at MetaTrader 4 (MT4) platforms sa desktop, Webtrader at mobile (iOS at Android) na sumusuporta sa mano-mano at awtomatikong pag-trade gamit ang Expert Advisors (EAs).

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang Mga Platform.

Paano ko ida-download ang MetaTrader platform sa desktop para sa Windows?

Pwede mong i-download ang MetaTrader platform sa desktop para sa Windows mula sa Client Portal, sa pamamagitan ng pagpindot sa MetaTrader icon sa itaas na kanang sulok, at pagpili sa gusto mong MetaTrader platform para sa Windows.

Gayundin, pwede kang pumunta sa Mga Platform at i-click ang icon ng MetaTrader Desktop (para sa Windows).

Posible bang magkaroon ng higit sa isang MetaTrader Desktop platform sa aking PC?

Oo, pwede kang magkaroon ng higit sa isang MetaTrader Desktop platform sa iyong PC, basta't naka-save ito sa magkaibang lokasyon.

Kapag pinili mong i-download ang MetaTrader para sa Desktop, i-click ang "Settings", at pagkatapos ang "Browse" at pumili ng ibang folder, o pwede kang magdagdag ng extension sa file na gusto mo. Panghuli, i-click ang "Next" para tapusin ang pag-install.

Paano ko ida-download ang MetaTrader sa aking Android/iPhone/iPad?

Pwede mong i-download ang MetaTrader direkta sa iyong device mula sa App Store o Play Store.

Pwedeng i-search ng Android users ang MetaTrader platforms sa Play Store at i-click ang "Install", at pagkatapos ang "Accept".

Pwede namang i-search ng iOS users ang MetaTrader platforms sa App Store at i-click ang "Get".

Gayundin, pwede kang pumili ng nauugnay na device sa Client Portal at i-click ang MetaTrader icon para sa Android/iOS sa itaas na kanang sulok para i-download ito.

Paano ko mahahanap ang FXGT.com sa MetaTrader na makikita sa aking Android/iOS device?

Sa sandaling in-install mo ang MetaTrader platform na gusto mo sa iyong device, i-type ang "360 Degrees Markets Ltd" sa "Find Broker".

I-click ito, ilagay ang impormasyon sa pag-login, password, at piliin ang FXGT-Live o FXGT-Live2 bilang live server, o FXGT-Demo para sa demo server.

Ano ang ibig sabihin ng error na "Authorization Failed"?

Nangyayari ang error na ito kapag hindi tama ang impormasyon sa pag-login at/o password.

Pwede mong ilagay ulit ang tamang impormasyon, o pwede mong direktang i-reset ang password mula sa Client Portal.

Anong server ang pipiliin ko kapag nag-login ako sa MetaTrader platform?

Saan ko mahahanap ang detalye ng pag-login sa trading account at password?

Mahahanap mo ang detalye ng pag-login at password sa email na natanggap mo noong nagbukas ka ng trading account, o sa pamamagitan ng pagpili sa "Mag-trade" na tab sa Client Portal.

Pwede mong palitan ang iyong password sa pamamagitan ng pagbubukas ng drop down list mula sa Aksyon na button na makikita itaas na kanang sulok ng bawat trading account at pagpili sa "Palitan ang Password".

Paano ako magla-login sa aking trading account?

Para sa desktop at Webtrader:

  1. Piliin ang "Log into Trade Account" na opsyon sa File pagkatapos mong buksan ang platform.
  2. Ilagay ang impormasyon sa pag-login pati ang password.
  3. Piliin ang nararapat na server at i-click ang "Login".

Para sa Android/iOS:

  1. I-search ang "FXGT-Live" sa "Find Broker".
  2. Piliin ang FXGT-Live.
  3. Ilagay ang impormasyon sa pag-login pati ang password.
  4. Piliin ang nararapat na server at i-click ang "Login".

Pwede ko bang gamitin ang ID ng Kliyente para mag-login sa trading platform?

Hindi, ang ID ng Kliyente ay iba sa kredensyal ng pag-login sa MetaTrader.

Bakit konting instrument lang ang nakikita ko kapag nag-login ako sa platform?

Kapag nag-login ka sa platform sa unang pagkakataon, konting instrument lang ang default na ipinapaktia nito. Kung gusto mong tingnan ang lahat ng available na instrument, mag-right click sa Market Watch window at piliin ang "Show All".

Para sa mobile platform, tandaan na kailangan mong mano-manong i-search at idagdag ang instrument na interesado ka.

Paano ako magdadagdag ng instrument sa aking MetaTrader mobile app?

Una, kailangan mong mag-login sa iyong MetaTrader mobile app. Pagkatapos, i-click ang "Quotes", piliin ang "+" at piliin ang naaangkop na klase ng asset. Pwede mo nang piliin ang instrument na gusto mong idagdag sa pamamagitan ng pag-click nito, at handa ka na!

Bakit hindi ako makapag-login sa aking MetaTrader platform?

May iba't-ibang dahilan kung bakit hindi ka makapag-login sa iyong platform. Kabilang dito ang:

  1. Hindi tama ang detalye sa pag-login. Pakilagay ang tamang detalye para mag-login.
  2. Napili mo ang maling server. Pakisigurado na napili mo ang FXGT-Live o FXGT-Live2 para sa Live trading account o FXGT-Demo para sa Demo trading account.
  3. Ang ginagamit mong trading platform ay hindi namin platform. Paki-download ang platform mula sa aming website o sa Client Portal.
  4. May problema sa koneksyon ng iyong internet. Pakitingnan kung nakakonekta ka sa internet.

Kung nagkakaproblema ka pa rin, makipag-ugnayan sa amin para sa agarang suporta. Pakitandaan na makakatulong sa amin ang mga screenshot na ipapadala mo para matukoy ang problema.

Paano ko papalitan ang password ng aking MetaTrader trading account?

Madali mong mapapalitan ang password ng iyong trading account sa Client Portal sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Trading Account.

Pakisundan ang mga hakbang sa ibaba para palitan ang iyong password:

  1. Pumunta sa trading account na gusto mong palitan ng password.
  2. Sa mga Aksyon na drop-down list, piliin ang "Palitan ang Password".
  3. Ilagay ang bago mong password at ipadala.
  4. Kapag ipinadala mo na ang bago mong password, makakatanggap ka ng email na humihingi ng kumpirmasyon.
  5. I-click ang button ng kumpirmasyon para ipatupad ang mga pagbabago.

Mayroon ba kayong MT4 platform?

Oo, kakalunsad lang namin ng kilalang-kilalang MetaTrader 4 (MT4) trading platform.

Magbasa pa tungkol dito.

Bakit naka-grey ang mga Sell at Buy button sa order window kapag sinusubukan kong mag-place ng order?

Maaaring sinusubukan mong mag-trade ng instrument sa saradong market, o sinusubukan mong mag-trade ng mas mababang volume (lots) kaysa sa pinapahintulutan.

Pakisigurado na naglalagay ka ng lot size na katumbas o mas malaki sa kinakailangang i-trade. Pwede mo 'tong gawin sa pamamagitan ng pag-right click sa instrument sa Market Watch window, at pagpili sa "Specification". May lalabas na pop-up window ka naglalaman ng lahat ng espesipikasyon kung saan makikita mo ang pinakamababang volume.

Gayundin, makikita mo ang espesipikasyon ng lahat ng instrument sa ilalim ng seksyon ng Mga Market sa aming website.

Ano ang multi-server?

Awtomatikong pini-filter ng multi-server system ang mga trading account ng kliyente sa magkakahiwalay na server para pabilisin ang performance at maiwasan ang anumang pagkaantala, upang mapabuti ang pangkalahatang karanasan sa pag-trade.

Paano ko malaalaman kung saang server ang aking trading account?

Makikita mo ang impormasyong ito sa email na matatanggap mo kapag una kang nagbukas ng trading account. Halimbawa: Pangalan ng Server: MT5 Live Server.

Gayundin, makikita mo ang server ng iyong trading account sa seksyon ng Mga Trading Account sa Client Portal.

Pakitandaan na mahalagang alamin ang impormasyong ito para matagumpay na makapag-login sa MetaTrader platform.

Lahat ng Paksa

Trading Platform