Pwede ba akong magdeposito gamit ang paraan na wala sa pangalan ko?
Hindi tinatanggap ng kumpanya ang pagbabayad mula sa sinumang ikatlong partido. Ang mga pagbabayad ay maaaring gawin mula sa mga bank account at/o credit/debit card at/o e-wallet na nakarehistro sa pangalan na tumutugma sa nagmamay-ari ng account na nakarehistro sa amin.
Kailangang magpadala ng kliyente ng patunay ng pagmamay-ari ng account para sa bawat paraan ng deposito sa fiat. Pwede kang magpadala ng patunay ng pagmamay-ari nito sa Client Portal, sa "Settings" at pagkatapos sa "Mga Fiat na Wallet".
Bibigyan ka namin ng sapat na oras para tipunin at i-upload ang lahat ng iyong dokumento pagkatapos makumpleto ang transaksyon. Pakitandaan na may karapatan pa rin kami, sa sarili naming pagpapasya, na gumawa ng anumang aksyon na sa tingin namin ay nararapat, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pag-block ng access sa aming online trading facility, pag-block at/o pagbawi ng iyong mga access code at/o pagpapahinto ng iyong account, kung hindi ka nag-upload ng mga dokumento.
Sa ilalim ng ganitong pagkakataon, may karapatan kaming kunin ang anumang kita na direkta o hindi direktang nakuha sa pamamagitan ng pagsasagawa ng anumang ipinagbabawal na aktibidad at pwede naming ipaalam sa sinumang interesadong ikatlong partido ang iyong paglabag sa panuntunang ito. Ang anumang aktibong order na nauugnay sa mapanlokong credit card at/o account ay agad-agad ding ikakansela.