Ano ang mga pending order at paano ko ito ilalagay?
Ang pending order ay isang tagubilin na pwede mong itakda nang mano-mano o sa pamamagitan ng isang Expert Advisor (EA) para bumili o magbenta ng instrument sa isang itinakdang halaga. Kapag naabot ang presyo, awtomatikong sisimulan ang order para mag-open ng position sa presyo sa market.
May iba't-ibang klase ng pending order:
Ang buy limit ay isang order para mag-open ng buy position sa isang ask na presyo sa hinaharap.
Kailangan itong itakda sa mas mababang presyo kaysa sa kasalukuyang presyo.
Ang buy stop ay isang order para mag-open ng buy position sa isang ask na presyo sa hinaharap.
Kailangan itong itakda sa mas mataas na presyo kaysa sa kasalukuyang presyo.
Ang sell limit ay isang order para mag-open ng sell position sa isang bid na presyo sa hinaharap.
Kailangan itong itakda sa mas mataas na presyo kaysa sa kasalukuyang presyo.
Ang sell stop ay isang order para mag-open ng sell position sa isang bid na presyo sa hinaharap.
Kailangan itong itakda sa mas mababang presyo kaysa sa kasalukuyang presyo.
Pinagsasama ng buy stop limit ang unang dalawang klase bilang stop order sa pag-place ng buy limit. Sa sandaling naabot ng ask na presyo sa hinaharap ang itinakdang stop level, may ipi-place na buy limit order sa lebel na iyon na nakalagay sa stop limit na presyo. Ang isang stop level ay ilalagay sa itaas ng kasalukuyang ask na presyo, habang ang stop limit na presyo ay ilalagay sa ilalim ng stop level.
Ang sell stop limit ay isang stop order sa pag-place ng sell limit. Sa sandaling naabot ng bid na presyo sa hinaharap ang itinakdang stop level, may ipi-place na sell limit order sa lebel na iyon na nakalagay sa stop limit na presyo. Ang isang stop level ay ilalagay sa ilalim ng kasalukuyang bid na presyo, habang ang stop limit na presyo ay ilalagay sa itaas ng stop level.
Pwede kang magtakda ng pending order sa pamamagitan ng pag-open ng bagong order at pagpili sa Type: Pending Order sa ilalim ng Symbol, at pagpili sa klase ng pending order na gusto mong i-place.
Pakitandaan na may kailangang distansya kapag nagtatakda ng mga pending order. Para sa iba pang detalye, pwede mong bisitahin ang Mga Market na seksyon sa aming website, o sa ilalim ng Market Watch Window - Specification sa iyong trading platform.