Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Nagkaroon ng Lingguhang Flag Pattern ang Gold na may Pangmatagalang Target na $2,900
18 July 2024 | FXGT.com

Nagkaroon ng Lingguhang Flag Pattern ang Gold na may Pangmatagalang Target na $2,900

  • Technical na Pagsilip: Matibay na nakaalis ang gold sa range nito, kung saan naabot nito ang all-time high na sumenyas sa pagtatapos sa yugto ng consolidation. Dahil sa naturang breakout, nagpapahiwatig na magkakaroon ng mas malawak na uptrend at malakas na sunod-sunod na pagtaas sa mga darating na buwan. Nasa uptrend na ang gold mula umpisa ng taon, kung saan nahinto ang trend mula kalagitnaan ng Abril hanggang kalagitnaan ng Hulyo. Ang paghihintong ito ay resulta ng hindi kasiguraduhan sa potensyal na Fed rate cuts, na humantong sa sideways na consolidation ng presyo. Sa kabila ng potensyal na resistance, matibay na sinusuportahan ng fundamentals ang higit pang price discovery.
  • Pangmatagalang Flag Pattern: Nakaranas ng agresibong pagtaas ang presyo mula Pebrero hanggang Abril, na sinundan ng tatlong-buwang consolidation sa pagitan ng $2,275 at $2,450. Dahil sa naunang pag-akyat, kasabay ng yugto ng consolidation, nagkaroon ng flag pattern sa ligguhang chart, na kadalasang nakikita sa bull markets at nagpapahiwatig ng pagpapatuloy ng trend. Gamit ang technical analysis, ang pagkakaroon nitong flag pattern ay sumesenyas ng pangmatagalang target sa $2,900, na mas mababa lang nang kaunti sa sikolohikal na lebel na $3,000. Bagamat maaaring matagal pa bago ito maabot, naghuhudyat ‘to ng magiging eksena sa mga paparating na buwan. Inaasahan sa $2,600 ang katamtamang resistance.
  • Panandaliang Momentum: Bagamat matibay ang pagiging bullish ng pangkalahatang trend, sinusubaybayan na ng traders ang anumang support level o panandailang consolidation patterns na pwedeng magtulak sa bullish na momentum, na makakapagbigay ng oportunidad para pasukin ang bagong positions na susunod sa trend. Kaya lang, ang agarang pagbagsak pababa ng $2,450 ay maaaring magpahiwatig ng pagkahina sa kasalukuyang pataas na wave. Pwede itong sumenyas ng panandaliang correction habang naghahanap ang market ng support level para paigtingin ang higit pang pagtaas.  
  • Mga Potensyal na Reversal Pattern: Tanging ang bagong nabuong reversal pattern sa ilalim ng $2,450 ang magsisilbi bilang seryosong babala, na sumesenyas ng hindi masyadong matatag na breakout at potensyal. Magreresulta ito sa yugto ng consolidation o mas malalim na correction, na pansamantalang magpapahinto sa agarang pagpapatuloy ng pagtaas. Susubaybayan ang panandailang support levels sa $2,430 at $2,400, at kung bumagsak pa ang presyo pababa sa $2,400, babaliktad ang katamtamang momentum patungong bearish. Ang ganitong pangyayari ay magiging mas matindi kapag nagkaroon ng bearish na balita o kung may hindi inaasahang pagbabago sa rate cut ng Federal Reserve. Kailangang subaybayang mabuti ng mga nasa market ang lebel na ito pati ang mga balita para sa potensyal na pagbabago sa direksyon ng market.

Arawang Chart ng Gold

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.